Paano Palakasin ang Immune System ng Mabilis.
Ang immune system ay ang tagapagtanggol ng iyong katawan laban sa mga impeksyon. Inaatake nito ang bakterya at tumutulong na mapanatili kang malusog. Kinakailangan na mapanatili na malakas ang iyong immune system para malabanan ang mga sakit. Ang madalas at paulit-ulit na sakit ay tanda na bumababa ang iyong immune system. Ang sugat na di gumagaling at mga impekyon na pabalik-balik ay tanda na mahina ang iyong immune system. Paano palakasin ang iyong immune system? Anu-ano ang mga dapat gawin para mapalakas ang iyong immune system nang mabilis? Ang pagbabago sa pamumuhay at pagsunod sa mabuting health guidelines ay ang unang hakbang na maaari mong gawin para mapalakas ang iyong immune system. Ang pag-inom ng vitamin C ay nakakatulong sa pag build up ng iyong immune system. Makakatulong rin ang zinc na mapalakas ang iyong immune system. Ang 10-15 minuto na pagbibilad sa araw ay sapat na para makakuha ng vitamin D na kailangan para mapalakas ang iyong immunity. Ang regular na ehersisyo at pagkakaroon ng sapat na tulog ay nakakatulong sa immune system na labanan ang mga pamamaga at impeksyon. Ang pag-iwas sa maalat, sigarilyo at pagbabawas sa pag-inom ng alak ay makakatulong sa iyo na mapalakas ang iyong immune system nang mabilis.
Tags: ImmuneSystem #PalakasinAngImmuneSystem #MapalakasAngImmuneSystem
Disclaimer: This video is designed for information and educational purposes only. You should not rely on this information as a substitute for, nor does it replace professional medical advice, diagnosis, or treatment.
Our Social Media:
Facebook: