COVID-19

Kabataan Kontra Covid-19

SPREAD LOVE, NOT VIRUS❗️❗️

Ang SK Baclaran po ay personal na nag tungo sa isolation area ng ating mga ka-barangay na COVID positive. Tayo po ay personal na namahagi ng konting pagkain para sa mga mahal nating mga ka barangay.

Nakakawala po ng pagod yung mga ngiti na nakita namin mula sainyo. Asahan po ninyo na ang SK Baclaran ay laging nakasuporta sa abot ng aming makakaya mapamatanda ka man o bata lalo na sa panahon ngayon na mayroon tayong pandemyang nararanasan.

Dalangin po ng SK Baclaran sa lahat ng COVID positive dito sa ating lugar/bansa o saan mang sulok ng mundo ang inyong agarang pag galing at pag balik sa dating masigla, malusog at masaya na mangangatawan. 🙏

Ps: hindi po ito ang unang pag tulong ng SK Baclaran sa ating mga ka barangay na covid positive nauna na po tayong namahagi ng washable face mask at vitamin C. Ganon din po sa ating magigiting na mga frontliners. 🙃

-SK Chairperson
Rachel Garcia & council

#SKBaclaran
#KabataanKontraCoVid19
#WeHealAsOne